Ang Division ng Eleksyon ay nakatuon para matiyak na ang bawat isang kwalipikadong taga-Alaska ay magkaroon nang makabuluhang pagkakataon para makaboo at mabilang ang kanilang boto. Ang mga pagsisikap ng Division para mabigyan ng Tulong sa Linguahe ay sumasalamin sa dedikasyong ito. Ang mga pagsisikap na ito ay bahaginang ginagabayan ng establisadong mga pang federal na regulasyon bahagi ng Voting Rights Act ng 1965. Kinakailangan ng actong ito na ang Division ng Eleksyon ay magbigay ng tulong sa linguahe sa mga grupong ang linguahe ay Español, Katutubong Amerikano, Katutubo ng Alaska, o isa sa mga Asianong linguahe kung mahigit limang porsyento ng populasyon ng edad nang bumoboto ay limitado ang pagsasalita ng Ingles.
Ang State ng Alaska ay sakop sa ilalim ng Seksyon 203 ng Voting Rights Act para sa mga linguahe ng Katutubo ng Alaska. Noong Disyembre taong 2016, nilabas ng pang federal na pamahalaan ang bagong pagpapasya ng 203 na linguahe na kumikilala sa mga grupo ng minoryang linguahe sa buong State na kailangan ng tulong sa linguahe. Ang mga pagpapasyang ito ay buhat sa antas pang federal at hindi maaaring sumailalim sa pagbabago o hamon. May mga recursong dapat iuna ng Division ng Eleksyon nang sa gayon ay makasunod sa mga regulasyon. Ang mga lugar na kinilala kamakailan lang sa Pang Federal na Listahan para sa pagpapasiya sa 203 sa Alaska ay: (Tingnan ang Pang Federal na Listahan)
Aleutians East Borough: Filipino, Hispanic, Yup’ik
Aleutians West Census Area: Aleut, Filipino
Bethel Census Area: Inupiat, Yup’ik
Bristol Bay Borough: Yup’ik
Dillingham Census Area: Yup’ik
Kenai Peninsula Borough: Yup’ik
Kodiak Island Borough: Yup’ik
Lake and Peninsula Borough: Yup’ik
Nome Census Area: Inupiat, Yup’ik
North Slope Borough: Inupiat
Northwest Arctic Borough: Inupiat
Southeast Fairbanks Census Area: Alaskan Athabascan
Valdez-Cordova Census Area: Alaskan Athabascan
Kusilvak: Inupiat, Yup’ik
Yukon-Koyukuk Census Area: Alaskan Athabascan, Inupiat
Ang plano ng tulong sa linguahe sa Alaska ay magbigay ng inilipat sa ibang linguaheng mga materyales sa eleksyon na isinulat na may kasaysayan at tulong sa pagsasalitang pagsasalin sa ibang linguahe, katulad ng linguahe ng Katutubo sa Alaska, na sa kasaysayan ay hindi naisulat. Dahil limitado ang mga recurso, at mga panuto, ang mga materyales ay iba-iba ang antas ng pagkakumpleto. I-klik ang bawat linguahe para sa mga makukuhang recursong ibinibigay ng division sa linguaheng iyon. Dagdag pa sa mga taga-salin sa ibang wikang taga-tanggpap-ng-tawag sa Araw ng Eleksyon, ang Division ng Eleksyon ay nagbibigay ng tulong sa linguahe sa pagsasalita sa pamamagitan nang paggamit ng mga listahang nakasulat sa Ingles at nakasalin sa isa pang linguahe, mga nagtratrabaho para umabot sa mga nangangailangan nitong tulong, mga nagsasalita ng dalawang linguaheng mga trabahador sa presinto ng botohan, at mga taga-salin ng wika sa mga komunidad na kinakailangan. Gumagawa din ang Division ng Eleksyon ng mga mapapakinggang isinalin sa ibang wikang impormasyon sa eleksyon at mga Serbisyong Pampublikong Anunsyo. Mayroong tulong sa linguahe anumang panahon sa proceso ng eleksyon sa anumang linguahe ng Katutubo sa Alaska, Tagalog o Español. Ang mga trabahador ng eleksyon na nagsasalita ng dalawang wika ay makakatulong, o mayroong taong napili ang botante na magbibigay ng tulong basta’t hindi kandidato, amo, ahente ng amo, o ahente ng unyon ng botante. Ang taong pinili ng botante para tulungan sila ay maaaring sumama sa loob ng kubol ng botohan para tulungan siya para botohan ang kanyang balota.